Ang Victorian Seniors Festival ay ginaganap tuwing Oktubre ng bawat taon. Ang Victorian Seniors Festival ay isang pagdiriwang ng mga nakatatandang Victorian.
Ang Victorian Seniors Festival ay may libu-libong mga libre at murang kaganapan sa buong Victoria.
Makisali sa kasiyahan sa Oktubre
Pangungunahan ng mga lokal na konseho ang mga espesyal na kaganapan at aktibidad upang ipagdiwang ang mga nakatatanda at matatanda sa Oktubre.
Libreng pampasaherong transportasyon para sa mga may Victorian Seniors Card
Maaaring makakuha ng 8 araw na libreng pampasaherong transportasyon ang mga may Victorian Seniors Card tuwing Oktubre.
Alamin ang higit pa
- Bisitahin ang Seniors Online website para sa kalendaryo ng mga kaganapan ng Festival at mga petsa ng libreng pampasaherong transportasyon sa Oktubre
- Makipag-ugnayan sa inyong lokal na konseho para sa impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa inyong lugar.
- Tawagan ang customer service ng Seniors Card sa 1300 797 210 mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon sa mga araw ng trabaho.
- Para sa tulong sa ibang wika, tumawag sa 131 450 at hilingin sa kanila na tawagan ang customer service ng Seniors Card sa 1300 797 210 mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon sa mga araw ng trabaho.
Reviewed 17 June 2025